Reminder po, mga Batang Maynila. Meron na rin po tayong COVID-19 Drive Thru Testing Site sa Quirino Grandstand. Bukod po sa linya ng mga four-wheel vehicles, may sariling lane na rin po ang mga bike, motorcycle, tricycle at pedicab. Tulad po sa Kartilya, mag-ooperate po ito nang Monday to Friday, 8:00 am to 5:00 pm. Libre po ito. Wala po kayong gagastusin. Ang kailangan lang po dalhin ay inyong valid ID. Sa resulta naman po, icocontact po kayo ng ating Manila Health Department sa mobile para malaman niyo po ang inyong resulta. Para sa opisyal na dokumento naman po ng inyong resulta, libre pong ihahatid ng MTPB ang sealed envelope ng inyong resulta kung kayo po ay Manila City resident. Kung hindi po kayo Manila City resident, maaari niyo pong kunin ang inyong dokumento sa Releasing Lane sa Quirino Grandstand. #ManilaMassTesting #SalamatPoYormeIsko
Comments