• Others

Profile
Juancho Daño

MALAYANG TULA

Juancho R. Daño: "MALAYANG TULA"
-spoken poetry-

Sisimulan  sa umpisa kahit huli na .
Ilalathala parin ang istorya.
Isusulat sa pamamagitan ng mga letra.
Gamit ang papel at ang pluma.

Isusulat ang salitang"mahal kita" kahit may mahal ka ng iba.
Mamahalin parin kita kahit bawal na .
Isisigaw ko parin kahit paos pa.
Wala akong pakialam kahit alam ko na .
Ang hirap palang magmahal ng taong may mahal ng iba.
DapAt nung una palang pinahalagahan na kita.
Kasi nung panahong bumitaw ka .
Ako pala yung talo sating dalawa.

Mahal na aalala mo pa ba ?
O nakalimut ka na ?
Yung mga pangako mong hangang sa huli.
Aanhin lahat kung wala ding silbi.
Tadhanang naging dahilan kung bakit tayo nagtagpo.
Tadhana din yung dahilan kung bakit tayo nagkalayo.
Sana hindi na muna kita nakilala ngayon.
Ang hirap kasing 
 Magmahal ng maling tao sa maling panahon.
Lalo na kung hinahadlangan pa ito ng  ibat ibang sitwasyon.

Mahal pagnaaalala ko yung dulo palagi paring bumabalik sa kung paano tayo nagsimula.
Yung pinagtagpo pero hindi para sa isat isa.
Yung parang tayo pero parang hindi naman talaga ?
Kung ikaw at ako ay di na magtutugma nanaisin mo pa bang maging isanv malayang tula?

Ikaw yung taong bigla ko lang ginusto.
Ngunit hindi ko akalaing mamahalin ko ng husto.
Nagmahal ako ng maling tao sa tamang panahon. 
Tamang tao sa maling panahon at lahat ng yun ay sa hindi ko inaasahang pagkakataon.

Kaya ngayon bibilang ako ng tatlo.
Isa , dalawa
Isa , dalawa
isa pa.
Isa ,dalawa
Isa, dalawa
Isa , dalawa, tatlo
Ihahakbang ko na muli ang mga paa ko .
Kasabay ng bago kong sapatos para sa bago kong hakbang .
Makalayo at malimut sa mapait kong nakaraan.
At ngayon haharap sa salamin at sasabihin kong. Kaya kong mabuhay magisa kahit wala ka sa piling ko.

Comments

0 Comments