I was on my way down to the ground floor when I noticed something on the hallway. Akala ko no’ng una, daga. Kaya nag-alangan akong lapitan. Pero no’ng nilapitan ko, I was wrong, kasi kulay ginger. Then I realized, it’s a teeny, tiny, super skinny kitten. Na-recognized ko agad ito sa kulay, kasi meron akong limang alagang pusa. At ginger silang lahat. Akala ko no’ng una patay na ito, because it’s barely moving. So I tried to pet it, then slowly, it moved its head. Tumayo agad ito nang makita ako. So, I went on my own way downstairs, kasi okay naman pala siya. Nagulat ako nang sinabayan niya ako pababa, at tumigil sa harap ko. Tumingin siya sa mga mata nang parang may gustong sabihin. At hindi ko matiis na hindi ma-capture sa picture and expression ng mga mata niya. And after snapping its photo, it maintained its eye contact with me. Hindi niya ako hinawalayan ng tingin. Kaya hindi ko natiis na haplusin ang ulo niya. Its head leaned sweetly on my hand and I melted. At hindi na ako nagdalawang isip pa. I picked it up and brought it to my unit. And obviously, my five cats were not pleased. Well, at first. Pero no’ng tumagal, no choice na sila kundi i-welcome siya. I named him Dooey. I found out he’s sick. The left side of his mouth was all-swollen due to pus. Gusto ko siyang ipa-check kaso kasagsagan ng pandemic, kaya sarado ang pinakamalapit na veterinary clinic sa amin. So what I did was to ask advise from a seller of cat products who has similar experience. ‘Yong sa kanya naman, napulot niya ‘yong alaga niya sa harap ng bahay nila na basang-basa sa ulan. She recommended an antibiotic and vitamins she administered to her kitten. I also got milk replacement formula, sa tingin ko kasi, Dooey is about six-week old pa lang. And we didn’t have mama cat to nurture him. I was not expecting him to survive, because he barely ate and spent most of his time napping and resting. At kapag nakapikit na siya, didilat na lang siya kapag babangon at kakain. Kahit haplusin mo siya nang madiin, o kaya paluin nang pabiro, siya’s nanatiling nakapikit pa rin. Pero hindi kami sumuko. Me, my husband and my daughter were taking turns in taking care of him. We made sure he had his milk at least four times a day, kasi kumakain naman siya ng wet food. Slowly, he’s starting to get up and sit outside the door. Hanggang sa makipaghabulan siya sa mga kapwa niya pusa. At napatunayan kong lubos na siyang magaling, nang makita ko kung paano niya protektahan ang pagkain kapag inaagaw ito sa kanya. Inaangilan niya ang mga kapwa niya pusa in fighting stance. Napangiti ako nagpasalamat sa Diyos. Nagpasalamat ako sa guidance na ibinigay Niya para maka-rescue ulit kami ng isa pang stray cat. Ang pinag-iipunan ko ngayon ay ang para sa spay and neuter operation nila. At alam kong someday, magagawa ko ito. Hindi namin alam kung saan galing si Dooey. Bigla na lang siyang sumulpot sa apartment namin. At hindi ako nagdalawang-isip na ampunin siya. Hindi ako against sa pag-aalaga ng mga may lahi pusa. Ang sa akin lang, kung kaya mong gumastos ng malaking halaga para sa mga may lahing mga pusa, bakit hindi mo subukang mag-adopt ng stray cats. You don’t have to pay for it, it’s free. Ang kailangan mo lang ibigay ay food, shelter and love. My future vision, kung bawat household lang sana ay kayang mag-adopt ng kahit isang stray cat man lang, malamang wala tayong makikitang pagala-galang mga gutom, may sakit at maduduming mga pusa. Maraming pagala-gala na libre, pero ang hanap mo ay ang mamahaling mga pusa. Bakit hindi mo subukan, kahit isang beses lang. Sabi nga nila, “let’s adopt, not shop.”
Comments