Bagamat alam ko ang nagbabadyang panganib sa bawat araw na kinakaharap ang aking tungkulin, sa kalabang hindi man lamang natin tanawin, lalaban ako. Balot man ng kasuotan na tila pandigma mula ulo hanggang talampakan, naliligo man at natutuyuan sa sariling pawis sa loob ng mahigit na labindalawang oras, hindi man makakain at maka-inom sa tamang oras, lalaban ako. Sa bawat tubo na natanggal, bawat pag-hinga at pag tibok ng puso na hindi na kailangan pang habulin, sa bawat negatibong resulta matapos ang ilang linggo ng iyong paghihirap na tila ba akala mo'y walang katapusan. Mas lalaban ako. Hindi mo man aninag ang aking buong mukha, ako'y umaasa na sa pamamagitan ng aking tinig at haplos ng aking mga kamay, naipadarama ko sa saiyo na may kasama ka. Kaya lumaban ka. At Lalaban ako. Lalaban ako hindi lang dahil ito ang aking sinumpaang tungkulin, ngunit sapagkat batid kong kailangan ninyo ako. At lalaban ako yamang naniniwala ako na ang panginoong Dyos ay kasama ko sa hamon ng pandemya na ito. 💪🏻🙏🏻💖 EKP - COVID-ICU nurse
Comments