• Good News

Profile
Sydney Page

Laban sa Pandemya.

Sa panahon ng Pandemya, marami sa atin ang  nawalan ng hanap-buhay o kabuhayan, kawalan ng kita sa negosyo, at pagbagsak ng ekonomiya.

Ang mundo nga naman ay hindi perpekto tulad na lamang ng Tao.May mayaman at may mahirap. Masakit isipin na ang ilan sa ating mamayan  ay nagnakaw at  gumawa ng panloloko sa kapwa tao, kahit na labag ito sa batas para, lang may maipakain sa pamilya na nagugutom. 

At isa ako sa mga nakaranas ng kahirapan, nawalan ng trabaho, walang sahod, at dumag-dag pa rito ang mga gastusin at bayarin. 

Kaya naisip ko, na habang may trabaho ka ay dapat may ipon na sapat. Dahil minsan, hindi natin alam ang mangyayari sa panahon ng krisis tulad na Pandemya na nangyayari sa ating bansa.  

At sa panahon din ito, ngayon mo malalaman kung sino ang mga totoong mong kaibigan at pamilya. Kung sino yung mga tao na nandyan para sayo, para damayan ka sa oras ng kahirapan, may peran ka man o wala. 

Darating din ang panahon na malalagpasan natin ang pagsubok na ito.Lahat tayo may mga pinag- dadaanan, kaya huwag kang susuko. Matatapos din ang lahat ng ito para, ang lahat ay makabalik at makapag-simula muli sa bagong buhay at bagong pag-asa para sa pangarap. 


SyneyPage

Comments

1 Comments
Check Out More Good News
Another Good Day
Womans day
Love is priceless
real love don't die
Wait for your moment