Sinimulan na ng Philippine Statistic Authority (PSA) ang online pre-registration para sa Philippine Identification System (PhilSys) o National ID. Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PSA Deputy National Statistician Assistant Secretary Rosalinda Bautista na hindi na sila magbabahay-bahay para kolektahin ang demographic information ng bawat Pilipino. Aniya, nagsagawa lamang sila ng pagbabahay-bahay sa unang hakbang ng registration dahil karamihan sa mga probinsyang inuna nila ay may mahina o walang access sa internet. “So kaya inuna yung low-income kasi sila yung walang access sa internet. Kapag naman nairehistro mo na iyong mga low-income families ay pwede nang yung mga tao o families na would have an access to the internet, pwede na ang online pre-registration.” ani Bautista. Ayon pa kay Bautista, mas mapapabilis ng online pre-registration ang pagproseso sa pagkuha ng National ID. “So pagdating mo sa registration center, kumbaga ipu-pull lang nila yung record mo, iko-confirm nila iyon bago i-capture ang iyong biometrics.” Dagdag pa ni bautista Nabatid na halos anim na milyong Pilipino na mula sa mga low-income households ang nakapagparehistro mula sa target na siyam na milyon ng PSA bago matapos ang taon. Disclaimer: Alamin nyo sa mga Municiapality nyo kung open na po sila sa pagbibigay ng National ID.
Comments