#KitaTayoSa2021 Patawad. Sapagkat. Hindi ito likha mula sa mga wikain na inyong mababasa mula sa platapormang ito na ginawa para sa ideyolohiya ng mga maywikang pang Banyaga. Bakit? dahil simple lang.. Pangarap kong sumulat. Pangarap kong sumulat Sa Pahayagan o kahit saan pa yan. Pangarap kong sumulat dahil nais kong ihayag na ako man ay hindi isang manunulat pero ang puso ko ay mulat. Pangarap kong sumulat dahil, bukas ang isip ko na walang magbabasa kung wala nang magsusulat. Pangarap kong sumulat dahil nais kong ipabatid sa lahat na ang bawat liwanag ng bukas ay dapat nating ipag pasalamat. Salamat? Dahil ilang buwan man tayong nakakubli tayo ay nandito pa rin at magkakasama sa hirap man o ginhawa. Malungkot Masaya Masalimuot. Pero sa Pagmamahal ng Panginoon o sino ma sya na naroon Andito Ka Andito Ako Binabasa mo to Kahit hindi naman lahat ng tugma ay tumpak o totoo Andito ka Andito ako Hanggang sa pag alpas natin sa masalimuot na taong ito.... dapat andito ka at andito ako... at #KitakitsTayosa2021 at sabay sabay natin ibangon ang Bagong Mundo š
Comments