Kinalikot, Nilabasan Alas tres ng madaling araw ako'y nagising Tila mga alitaptap pumukaw sa paningin Imaheng may gandang katangi-tangi Isang binibini hindi maikukubli Kaya ako'y nagbalik sa daan Kung saan nasaksihan Ang taglay mong karikitan, Ngunit umuwing sawi sapagkat di nasulyapan. Isipan ay di pinatahimik Sa muling pagbalik, Imaheng mong kaakit-akit Bumulong sa sarili bukas ulit. Alas otso ng umaga ako'y umalis Nako, wag sanang dumaplis Pagkakataon sana'y pumanig Sa binatang umiibig Napaupo sa likmuan Mga kamay'y pinagpapawisan Ito na ba ang araw, Na ika'y matatanaw? Di mawaglit ang pagtingin, Tadhana ba'y nasa akin? Posturang para isang modelo, Magkabilang bewang sumasabay Sa indayog ng mga buhok mo. Isa, dalawa, tatlo-- tatlong linggo Nagpaulit ulit, at hindi nabigo Nakabisado mga galaw mo Nababaliw na ata ako. Walang pagiimbot ika'y nilapitan Bawat hakbang ay marahan Bumubuo ng pangungusap Kung paano uumpisahan. Kinabahan, nautal Daga sa dibdib nagwalwal Salita'y nagkabuhol buhol Ngunit ito'y nasuklian ng ngiting singanda ng isang burol. Tatlong buwan ang lumipas, nakuha ang loob mo Nabuo ang salitang "tayo" Ikaw na ba ang sagot? Sa mga panalangin ko. Alas tres ng madaling araw ako'y nagising Tila mga alitaptap pumukaw sa paningin Imaheng may gandang katangi tangi Binibini sa aking tabi. Nadiligan ang buhay kong nalalanta Nakahanap ng kanlungan at hingahan Sa nakakasulasok na mundo Nagpalitan ng mensahe, kinantahan upang maiparamdam sayo na ikay mahalaga. Mga araw na puno ng kwentuhan, asaran at tawanan Na hindi malaman kung saan nanggaling ang mga iyan. Alas tres ng madaling araw ako'y nagising Ika'y nangingnig sa aking mga bisig. Takot, pangamba kita sa iyong mukha Sa isang demonyo ba ika'y nakatitig? Panibagong tatlong buwan tayo'y winasak Sigalot, kawalan ng tiwala, katahimikan Lumamig, parang kapeng nalipasan ng panahon. Tumigas, parang pandesal na naiwan sa kahon. Alas tres ng madaling araw ako'y nagising Abel ang ngalan ng diablong bumulong sa akin Natitiyak nyang ikaw ay may alam Sa nakaraang pilit tinatakasan. Niyakap kang mahigpit Mali ang nadinig, ito ang pinilit. Ngunit si Abel ay hindi nagkamali Lalong tumindi ang panginginig. Bulong sayo'y ikaw ba'y nilalamig? Gusto mo bang painitin ang ating gabi? Binaybay ng mga kamay ko ang katawan mo Hinagkan, hinalikan at hindi binitawan Isang pagkakataon ang hinihintay Di nagtagal ika'y bumigay. Pinasok, gumapang, pinagsiksikan Muling bumulong si Abel, nakaraa'y nakalikot mo. Pinatigas ko, Hinigpitan ang kapit, dahan dahang ipinasok, Naramdamang naisagad ko, tila nasakop ang iyong pagkatao. Katawa'y nanginig, pumiglas, ngunit ako'y mas malakas Luha'y pumatak sa mga mata mo Patuloy ang sigaw ng ngalan ko Na tila musika mula sa ibang mundo. Unti unting humina, naghabol hininga. Daliri'y dumaan sa bibig mong nakanganga. Nilabasan, likidong humahalimuyak. Tinikman, dinilaan, basang basa. Dugo't pawis malapot, naghalo. Hindi nakuntento, binaon pa ito. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, Kundi labing limang saksak ang natamo. Pasensya binibini, ngunit hindi ka sapat, Sapat para kalimutan ang nakaraan. Kinalikot, nilabasan, nawala sa sarili Abel! Isa kang kapitan.
Comments