Hi! Ako nga pala si vin, isang simpleng mang-gagawa. Sa lungsod ng maynila May simpleng buhay at pamilya! Sa bawat araw na lumilipas katawan ko napapagod na sa mga ginagawa, Sa mga nakikita ko! Lalo na makita ang isang magulang na nahihirapan sa pag taguyod sa aamin mag kakapatid! Araw araw siya nag titinda para lang may makain kami! Alam ko na nahihirapan din siya! Pero siya ang klase ng tao na hindi nag sasabi ng nararamdaman! Pilit niyang kinakaya para saamin! Isang beses nakita ko siyang nakatingin sa isang katabi niyang nag titinda at puno ng mamimili at sa kanya wala pang nabili! Sobrang sakit para sakin na makita ko siya na ganun feeling ko gusto niya sana meron din sa kanya! Pero ako ito walang magawa kundi manahimik na lang muna kasi wala pa akong gaanong kakayahan para maibigay lahat ng gusto niya! Pero kung alam ninyo lang ang nararamdaman ko halos tuwing naiisip ko yung mga nakita ko naiiyak na lang ako! Gustong gusto ko siyang pahintuin pero hindi pa pwede ngayon kasi kulang pa ang aking kinita! Ang gusto ko ipabatid saakin kwento ay, Please pahalangahan natin ang ating mga magulang tatay man yan o nanay! Masungit man sila o mabait, Parang awa ninyo na bigyan natin sila ng respeto dahil sila ang dahilan kung bakit tayo nakatungtong sa paaralan sila ang dahilan kung bakit tayo nakakakain sa araw araw! Kulang man ito pero naibibigay parin niya ang kailangan natin! Sana kung sino man makabasan nito! Pag uwi ninyo o makita ninyo ang iyong mga magulang bigyan ninyo sila ng mahigpit na yakap o kahit simpleng kamusta lang dahil kahit papaano nababawasan ang bigat na dinadala nila! Hirap ng trabaho nila! Nawawala ang mga pagod nila pag iyong ginawa yan! Alam ko hindi lahat ng tao close sa magulang pero kahit minsan lang please gawin ninyo ito yakapin ninyo sila o sabihan na nay tay kamusta na kayo? Okay lang ba kayo? Anong gusto mo nay? Tay? Kailangan ninyo ba ng tulong nay tay? Payakap naman ako nay tay! Umiyak ka o sila sa tabi mo okay lang yan lahat ay gumagaan pag ikaw ay umiyak! Hindi masama umiyak kahit sa mga kalalakihan dahil tanda lang nito na isa din tayong tao na napapagod at nasasaktan sa mga nanyayare sa paligid natin Mahalin natin magulang natin at sarili Ingat kayong lahat
Comments