• Good News

Profile
Angelyn Baylin

Hey Ladies! Know your Worth

Hey, ladies know your worth!

Wag mong isipin na hindi ka sapat. Hindi ka man nya mapansin kahit anong gawin mo pero dapat alam mo ang iyong halaga.
You are a beautiful masterpiece created by God's hand with all his heart. You're worth more than gold. 

Hindi dapat tayo ang nag hahabol sa mga taong ayaw sa atin dahil hindi tayo ASO.

Kung tunay na gusto ka nyan na mahal ka nyan hindi yan mag dadalawang isip na effortan ka. Kahit sa simpleng chat, text or tawag kukulitin ka nyan. At kung talagang gusto ka nyan magpapakita pa sayo yan kahit na ayaw mo.

Ang tunay na lalaki alam ang halaga ng isang babae. May respeto yan at ituturing ka nyang isang prinsesa.
Alam ng lalaki na babae ang kahinaan nila gaya ni Samson at Delilah. Kaya kung talagang gusto ka nyan hindi ka dapat naghahabol dahil sila mismo ang mag eeffort mapasaya ka lang nila. Hindi yung ikaw pang babae ang gagawa ng moves para mapasaya yang mga lalaking yan.

Oo minsan gagawin mo nga yon para mapatibay ang relasyon nyo pero kung ang boyfriend mo ay isang hamak na tamad at laging umaasa sayo, at sa lahat ng gala nyo wala manlang ginastos yan at nagpalibre pa sayo. Iba na yan.
Aba ate girl tigilan mo na yan! Hindi na healthy yang relasyon nyo. Lokohan na yan. 

Tapos malalaman mo nambababae pa yan kesyo hindi daw sya masaya sayo. Naboboringan na sya sayo. Tumigil ka na! Dahil we don't die to pay their bills. Oo mahal mo nga pero wag kang martyr.

Niloloko ka na nga. Mahal mo pa rin.
We don't deserve them dahil we are God's Princess at nilikha tayo para Mahalin at hindi lokohin. Nilikha tayo para maging Prinsesa.

Kaya ate girl know your worth makakamove on ka rin dyan. Oo mahirap mag move on kung sobrang mahal mo nga pero pag lipas ng panahon at inalala mo ang nakaraan mo. Nako i'm sure tatawanan mo nalang yan dahil alam mo sa sarili mo na you deserve the best.

You shine brighter. You're worth more than Gold! So don't be ashamed to wear your crown, you're a queen inside and out šŸ˜Š Don't forget how Precious you are šŸ˜

-Angelyn Mijares BaylinšŸ’•

Comments

1 Comments
  • Jericho Maldia
    Aug 12, 2020 01:26
    visit my articles, give also high five and make us friend lets help each other,Thank you my friend
Check Out More Good News
Business for a cause
Fighter!
Yes to this!
Lapit Ng sumuko
Enjoy and Not Regret