Ctto. Buhay Guro! 😔 Dati.. Gigising ng madaling araw para Hindi malate sa pagpasok. Ngayon.. Inaabot ng madaling araw para Hindi ma-late sa pagpapasa ng mga kailangan ipasa. Dati.. Magulong classroom at maingay na mga bata ang mabubungaran mo. Ngayon.. Magulong desktop at maingay na message notifications ang bubungad pagkagising mo pa lang. Dati.. Pagdating ng hapon feeling mo pagod na pagod ka na. Ngayon.. Nangangalahati pa lang ang araw feeling mo isang buong magdamag na ang nagdaan. Dati.. Nagla-lunch ka kasabay ang mga kasamahang guro. Ngayon.. Agahan, tanghalian, merienda, hapunan kasama mo ang laptop sa mesa. Dati.. Nagloload ka lang pag kailangan. Ngayon.. Nagloload ka na dahil kailangan. Dati.. Nai-stress tayo sa mga bata. Ngayon.. Na-stress tayo dahil hindi na natin makakaharap ang mga bata... Kung pwede lang.. Kung kaya lang..kung posible lang sana.. Balik na lang tayo sa DATI.. Maingay. Magulo. Nakakapaos. Nakakapagod. Nakakastress. Nakakadrain. Pero masaya ❤💜💗 But this is the new normal for us teachers.. At araw-araw po naming niyayakap ito hindi para magcomply, kundi PARA SA BATA 💗 #newnormaleducation #CttoRepost
Comments