NEWS ALERT: Upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa iba't ibang lugar sa lungsod, magsasagawa ang Department of Interior and Local Government (DILG) - Manila Field Office at ang Pamahalaang Lungsod ng isang online training para sa Barangay Health Emergency and Response Teams (BHERTS) sa tulong ng proyektong ReachHealth ng USAID. Layunin ng pagsasanay na gabayan ang mga barangay health workers sa pagtulong sa mga miyembro ng kanilang komunidad sa gitna ng banta ng COVID-19. Kabilang sa mga ituturo sa online training ang mga hakbang kung paano maiiwasan ang pagkakahawa sa sakit at mga paraan kung papaano pangasiwaan ang mga suspected, probable at confirmed na mga kaso ng COVID-19 habang maayos na nakakatugon sa mga epekto ng sakit sa buong komunidad. Nilalayon din ng aktibidad na tulungan ang mga BHERTS na maunawaan ang kanilang mga tungkulin at gawain upang mapanatiling COVID-19 free ang mga barangay sa lungsod. Hinihikayat naman ng DILG-Manila Field Office na lumahok ang mga BHERTS sa Districts 2,3,4,5, at 6 ng Lungsod ng Maynila. Samantala, ang online training na nabanggit ay gaganapin mula Agosto 13 hanggang Agosto 18, 2020. —SNO #AlertoManileno #COVID19PH
Comments