At this moment of pandemic, our mental health is all that matters - mahirap yung mag iisip ka kung paano o saan ka kukuha ng needs mo sa araw araw. We all know kung anong sitwasyon natin ngayon, life is a matter of survival kahit noon pa. May times na mag ooverthink tayo, emotional breakdowns and so on. Pero at the end of the day we have no choice kundi lumaban. Kung may friend or friends kayo, talk to them. Kasi on a serious note, hindi lahat ng family natin maiintindihan tayo sa nararamdaman natin. Minsan, sasabihan ka pa ng nag iinarte or what. Swerte na lang talaga yung maiintindihan ka. Talk to God. Never lose your faith in Him. May mga times na you will question Him kung bakit ganito, bakit ganyan, bakit sila ganon. But believe me, He is preparing you. God is preparing you for something na will Nya. Hindi yung gusto mo, hindi yung gusto ng ibang tao. May mga times talaga na dadating tayo sa point na tatanungin natin yung sarili natin kung kaya ba natin yung binigay satin. Pero diba, we all know na hindi Nya yun ibibigay satin kung alam Nya na di natin kakayanin? Trust Him, always. Lagi tayong magdadasal sa Kanya. There is no harm kapag you surrender all your worries to Him. Well, this is also my note to myself. Ako mismo nakakaramdam ng ganito and sobra akong nagbe-breakdown. At the end of the day, wala akong choice kundi lumaban. Laban para sa pangarap. Laban para sa pamilya. Laban para maka-survive. Laban tayo :)
Comments