Sa sitwasyon na kinakaharap natin sa gitna ng pandemya, isang malaking hamon para sa mga estudyante kung papaano makakasabay sa bagong sistema ng pag-aaral. Paano maisasaga ang pag-aaral ng mga estudyante? Kakayanin ba ng mga mag-aaral sumabay? Sa sitwasyon ng ating bansa ngayon, malaking pagsubok ang umusbong kaugnay sa edukasyon. Ngunit kahit ganito ang kalagayan ng bansa, mahalaga pa rin na ang edukasyon ng bawat tao. Ang ahensya ng Gobyerno at ang Kagawaran ng Edukasyon at ang mga eskwelahan ay nagbigay ng mga iba’t ibang paraan para masulusyunan ang ganitong sitwasyon. Ang iba ay nag sagawa ng online class, at ang iba naman nag sagawa ng modular. Sa ganitong daloy ng edukasyon kailangan maging handa ang mga mag-aaral sa mga posibleng mga problema na pagdaanan. Dahil sa mga posibleng mga problema na ito ay maraming mag-aaral ang piniling huminto na lamang muna sa pag-aaral ngayon taon. Marami rin ang mga walang kakayahan na sumabay sa ganitong sistema at ang iba ay walang kakayahan upang makipag sabayan sa mga ibang estudyante na may kakayahang mag-access sa internet. May malaking papel ang internet para sa pag-aaral ng mga estudyante ngayon. Ito ay makatutulong upang mapadali ang mga gawain. Dahil sa kalagayan ng ating bansa malaking pagbabago ang mangyayare sa ating pag-aaral. Kahit gaano kahirap ang mga pagdaraanan, mahalaga pa rin na matuto ang bawat tao. Ang mga paraan na isinigawa ng mga ating Gobyerno ay hakbang upang ang lahat ang mag-aaral ay matuto.
Comments