• Good News

Profile
Joanna Santos

easy blessings!

gusto mo ba ng easy blessings? ito lang gagawin mo: manalig at manampalataya kay Lord!

ito kasi yon, yung mundo, puro perpekto lahat yan. hanggang sa nag-disobey sina adam at eve, tas dun na nagsimula na maging makasalanan lahat ng tao.

pero alam mo ba na mahal na mahal ka ni Lord, na kahit gaano ka pa ka-dumi or iniisip mo na di ka kamahal-mahal, si Lord mahal na mahal ka niyan! tanggap niya kung sino ka. at dahil don, namatay siya para sayo.

hindi yung basta patay lang, alam mo yung latigo? may tatlong attachment yon; bato, bubog saka yung blade ng espaada. 40 na beses siyang papaluin non, pero 39 nalang kasi mamamatay na siya pag umisa pa.

di lang yon, dahil mahal ka niya, may magandang plano siya sa buhay mo! dito na nga pumapasok yung blessings na sinasabi ko. sabi niya, lahat ng mananalig sa kanya ay magiging anak niya, meaning kapag humingi ka, basta kasama sa magandang plano niya, ibibigay niya!

sana hindi ka manalig lang sa kanya dahil may makukuha ka, sana manalig ka kasi naniniwala kang may plano siya para sayo na di mahihigitan ng kahit ano :)

kung handa ka na, idasal mo lang to ng buong puso ha? (buong puso, pag hindi, walang epek to sayo boss):

Lord, inaamin ko po na nagkasala ako, dahil po doon, gusto ko pong humingi ng sorry sa inyo. naniniwala po ako na niligtas niyo ko at may magandang plano kayo para sa akin. tinatanggap po kita bilang Diyos at tagapagligtas. Amen.

pagtapos non, maniwala ka lang at magtiwala. ineencourage kita na magdevotion rin! magpopost rin ako dito ng devotionals, kaya stay tuned! God bless you! 

Comments

2 Comments
  • Hot Mama
    Jan 26, 2021 22:00
    Easybless
  • Hot Mama
    Jan 26, 2021 22:00
    Easy blessing