• Good News

Dswd Updates

SAP UPDATE | SEPTEMBER 1, 2020
PARA PO SA INYONG MGA KATANUNGAN

1. Bakit hindi po ako nakatanggap ng text mula sa GCASH?

Sagot: DSWD NCR po ang namamahala ng DIGITAL PAY-OUT tulad ng GCASH o PAYMAYA o kahalintulad nito. RANDOM SELECTION po ang ginawa nila, ibig sabihin ay COMPUTER GENERATED, halos ISANG PORSYENTO (1%) lamang ang pinagpala na makatanggap.

2. Kung ako ay hindi nakasama sa nakatanggap ng text, ay may pag-asa pa po ba ako na makakuha pa ng SAP?

Sagot: LAHAT po ay may PAG-ASA na makatanggap ng SAP, SECOND TRANCHE/WAVE  o mga WAITLISTED/LEFT-OUT. Ayon sa CCSWD/LGU ay magkakaroon ng MANUAL PAY-OUT sa mga Barangay sa mga hindi nakatanggap thru GCash o another form of Digital Pay-Out. Maghintay na lang po tayo kung kailan iyon, ang iskedyul po ay ang DSWD / NCR  ang tanging nakakaalam.

3. Totoo po ba na Last day ng bigayan ng SAP sa August 31?

Sagot: HINDI po. Ang ating Brgy ay naghihintay lamang po ng update o abiso na manggagaling sa DSWD/ NCR , tayo po lamang ay naging tulay para po mai-Distribute o maipamigay ang SAC sa bawat pamilyang nangangailangan, Inayos lahat ng may problema mula sa kakulangan ng requirements hanggang sa pag uupdate ng inyong mga bagong contact number at ito po aming ipinasa sa DSWD/ NCR.

 4. Paano po kung numerong nakasulat sa aking SAC Form ay hindi na gumagana/nawala/bago at iba pang dahilan?

Sagot: Noong nakaraang linggo ay nakapgsumite na po ang ating Barangay sa LGU thru email na Sertipikado ng Kapitan kalakip ang xerox ng SAC at ID ng mga taong nag-update ng kanilang mga bagong numero. Iyong mga may ganung kaparehas na concern, ay pwede naman na i-update ang inyong mga numero sa ating Barangay para kung dumating ang panahong magka-manual pay-out ay ibibigay ang record sa ating Call Center para maging gabay kung nasa listahan ng mga tatanggap sa araw na iyon ang iyong pangalan.

5. Paano po iyan, nawawala ang aking SAC Form?

Sagot: thru Manual Pay-out (ibig sabihin tinawagan ka na para dalhin ang SAC Form/Xerox ng ID), magbibigay ng rekomendasyon ang Pay-out Team Leader kung ano ang magiging option, pwedeng Sertipikasyon ng Pagkawala mula sa Punong Barangay at kung anuman ito.

PAUNAWA po ating mga Kabarangay:

MAGHINTAY lang po tayo ng Anunsyo kung kelan ang Manual Pay-out (kung sa Barangay man ito o sa LGU) lalo sa mga hindi pinalad na makasama sa Random Selection na ginawa ng DSWD NCR thru Digital Pay-out (GCash atpb.).
Nawa’y tayo pong lahat ay mag iingat palagi at patuloy na sumunod sa mga ibinababang kautusan ng ating City. 

Mahigpit na Ipinagbabawal ng Pamahalaang  Lungsod  ang paglabas ng mga edad 21 taong gulang pababa, Senior Citizens, Buntis, PWD  at mga may sakit na maaaring magkaroon ng komplikasyon dulot ng COVID-19.

Panatilihing laging naka facemask at faceshield tuwing tayo ay lalabas ng ating bahay. 

PATULOY PO TAYONG MAG DASAL PARA SA KALIGTASAN NG LAHAT.

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PANG UNAWA

Comments

5 Comments