Mahirap ba ang college ? Sa karanasan ko , masasabi kong oo. Pakiramdam ko hanggang ngayon hindi pa rin ako handa sa buhay kolehiyo kahit na nasa sitwasyon na ako. Mahirap ... dahil hindi naman talaga ako sigurado kung gusto ko ba ang kursong kinuha ko. Hanggang ngayon , tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung karapat-dapat ba talagang nandito ako. Mahirap pala kapag pakiramdam mo walang direksyon kang sinusundan. Pero kahit ganon ... marami akong napagtanto ngayong nasa kolehiyo na ako. Kailangan mong matutong mag-isa. Na hanggang ngayon sinusubukan ko pa rin ito dahil kahit pagpunta minsan sa CR o canteen kailangan may kasama pa ako 😂 Hindi mo kailangan ng madaming kaibigan ... Maganda kung marami kang kaibigan pero malalaman mo kung sino lang 'yong totoo at napagtanto ko na kahit 3 lang ang kaibigan mo o kahit isa basta alam mong totoo sa'yo ay sapat na. Mapapahiya ka . Oo , minsan sa buong klase mapapahiya ka talaga o mas malala kung buong campus 😂 pero dapat masanay ka na . Dapat sanay ka sa puyatan . Oo 'yong 3 AM ka ng matutulog tapos gigising ka ng 6 AM kasi 7 pasok mo . Minsan pa nga wala ka na talagang tulog dahil sabay-sabay ang pinagagawa sa inyo. Makakatagpo ka rin ng teacher na minor lang 'yong subject pero pa-major siya 😂 Pero tandaan .... Kahit minor subject lang 'yan dapat seryoso pa rin kayo. Lovelife? Aba , I'm sure may mga gwapo rin sa campus . Tamang lingon lang o daan sa department nila 😂 Pero sana all may jowa 😂 Gawing inspiration hindi 'yong abala sa pag-aaral. Pero lahat ng ito , alam mo kung ano ang pinakaimportante ? Dapat alam mo kung anong kurso ang gusto mo . Oo , huwag 'yong papahila ka lang sa mga kaibigan mo. Maniwala ka , mas maganda pa rin na kahit nahihirapan ka na sa course mo gusto mo rin talaga. Iyong kapag pagod ka na at umiiyak dahil sa pressure tatanungin mo 'yong sarili mo . Bakit ko ba kinuha 'tong course na 'to? Gusto ko ba talaga 'to? Shift na ako agad , ayaw ko naman talaga 'to. Kaya sa lahat dyan ng magkokolehiyo pa lang , dapat sigurado kayo . Good luck and God Bless to all. Matutupad natin ang pangarap natin 😊
Comments