• Good News

BATANG 90'S NAKAKAMISS ANG LUMIPAS NA PANAHON

Nakakamiss lang ang lumipas na panahon!
nakakamiss yong mga ganap noong panahon ng kabataan, mga musmos at walang ginawa kundi maglaro lang, magsaya, magtawanan.

Ikaw naalala mo pa ba yon?
yong mga panahon na  happy lang! yong mga panahon na ang sasaya lang natin, takbo dito takbo doon, naalala mo pa ba yong mga candy na kinakain natin noon, yong tag piso isa, ang saya tanawin ang saya balikan, naalala mo rin ba? yong nakikipanuod lang tayo sa mga mapagmataas nating kamag anak, joke! don pala sa mga kamag anak nating mababait na di tayo pinagsasarhan ng pinto, di tayo pinapatayan ng TV haha joke ulit.

Ang saya balikan yong mga larong Piko, tago taguan, pireng pirengan, inuman yong laro yon ha! tapos naalala mo pa ba? yong bubot na bayabas na pilit nating kinukuha sa mataas na puno ng bayabas, yong manggang kasingmura pa ng isip natin ay kinakain na natin, nangangawil tayo ng palaka, hahaha! ei yong puno ng aratilis na pati ibon ay Inaagawan pa natin! yong duyan na halos sumuka na tayo sa lakas ng yogyog.

Yong panahon na anihan ng palay, yong naghahabulan tayo sa taas ng dayami, nagsasagraw tayo ng palay, lagi tayo may pera nun kasi madami tayo nakukuhang palay na natitira sa bukid, pag pag dito pag pag doon. ang saya saya pala nuh! alam mo ba na naiiyak ako habang kinekwento ko sayo to! o kinekwento ko sa inyo to! ang sarap balikan ang ala alang ito. ngunit tayo ay tulad ng halaman na sandaling mamumukadkad at ang panahon natin ay lilipas!

hanggang dito nalang mga ka 90's hanggang sa muli!
-MR. EVERYTHING NEWS

Comments

1 Comments
  • The Creed Guy
    Jan 06, 2021 12:48
    Yeah I remember those days and I really miss it.
Check Out More Good News
Happy Living
e
Liste