Magandang balita mga Novo Ecijano! Ipinababatid ng Nueva Ecija Inter Agency Task Force sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali na mayroong pitong nakarekober sa COVID-19 ngayong araw July 21, 2020. Kabilang rito ay sina patient #69 lalaki, edad 29, residente ng Ungab, Cuyapo, isang rodman sa Taguig CESU at patient #70, lalaki, 22 years old kasalakuyang naninirahan sa Caloocan City at residente ng brgy. Bugnan, Gabaldon. Ikatlo si patient #75, kwarenta anyos, nakatira sa Brgy. Sto. Niño 2nd, San Jose City, nagtatrabaho bilang isang Chemist, pang-apat si patient #80, 31 years old na babae isang government employee at naninirahan sa Caanawan, San Jose City. Kabilang rin sina patient #81, trentay dos-anyos na lalaki, mula sa Bakod Bayan, Cabanatuan City, nagtatrabaho sa Bureau of Fire Protection sa Quezon City Regional Office at patient #84, babae may edad 45, mamamayan ng Quezon St, Cuyapo, isang businesswoman at nagkaroon ng travel history sa Tarlac at Pangasinan. At pangpito ay si patient #87, 39 years old, babae, residente ng Kapitan Pepe Subd. Cabanatuan City. As of today, umakyat na sa 75 ang mga gumaling na pasyente mula sa COVID-19 sa Nueva Ecija. - ulat ni Myrrh Guevarra Source: Nueva Ecija TV48
Comments