Pilit kong nilalapat ang aking mga daliri sa tipaan ng kompyuter upang masimulaan ang mga nakatakdang Gawain ngunit paano? Saan ko sisimulan? Ano ang aking uunahin? Akoy naguguluhan tila ba ay nawawalan ng ideya ang nabablanko kong isipan. Gusto ko ng masimulan upang sa gayon ay matapos na. nais kong may masimulan nang Makita ang pag usad sa sunod sunod na gawaing tila wala ng katapusan, oo mahirap, nakakapagod, nakakawalang gana PERO MAY PANGARAP AKO, AT YUN ANG TANGING BALA KO PARA IPAGPATULOY ANG LAHAT, UPANG KAYANIN ANG MGA BAGAY NA INAAKALA KONG HINDI KO KAYA, UPANG BUMANGON MULA SA KING PAGKAKAHIGA AT GUMAWA NG TAMA. Ayos lang ang magpahinga, normal ang mapagod pero ang hindi tama ay yung sumuko ka mula sa pagkapagod mo, ang makalimutang huminga sa gitna ng paghihingalo, ang bumitaw sa pangarap na malapit mo ng maabot, KONTI NALANG OH, NASIMULAN MO NA, NAKAUSAD KA NA, NAKITA MO NA ANG KALAGHATIAN NG LANDAS NA TINATAHAK MO. Kinaya mo na ang mga nagdaang pagsubok, marapat lamang na handa ka na sa mas mahirap na darating, sa paghirap ng pagsubok ay sa pagtatag ng pagiging ikaw, wag kang patalo sa mga problema bagkus talunin mo sila. Tinipa ng ng mga daliri ko ang nais iparating ng sarili ko. Sana ganun din kayo. Kakayanin natin ang lahat kung positibo ang ating pananaw sa lahat ng bagay.
Comments