• Personal Stories

Profile
JAMESON

ANG LUMISANG BULAKLAK

Ang Lumisang Bulaklak
(Pagmamahal sa Kaibigan)

Ang imahe ng isang bulaklak, nakabilanggo!
Mga ala-ala ng kaibigang mahal dati,
Sadyang sa balintataw niya ay, ito’y naglalaro
Kaya sa puso’y nagdudulot ito ng pighati

Ang pagkakaibigan ay parang nagtatanim
Ng mga maliliit na punla ng ‘sang bulaklak.
Pakitaan mo ng pagmamahal, ‘toy huwag ikimkim
At siguradong tutubo ito’t mamumulaklak

Yaong pag-ibig ay titingkad at magkakakulay
Sa mundo’y nagdadala ito ng kaliwanagan
Mga pusong sabik, hindi malapitan ng lumbay
Pinunan ang bawat espasyo ng kaligayahan

Ngunit sa mundong ‘to, hindi lahat ay magtatagal
Saya’y maglalaho, tila ba’y isang panaginip
Pati ang pagmamahal ay lumabo at natanggal
At ala-ala’y, mananatili sa kanyang isip. 

Comments

0 Comments