• Good News

Ang 10 Bagay na Dapat Mong Gawin upang Makamit ang Iyong mga Layunin #5yearsfromnow

Ang pagkakaroon ng pangarap ay isang masaya at magandang adhikain sa buhay, ngunit paano mo masasagot ang tanong na "Saan mo nakikita ang iyong sarili pagkatapos ng limang taon?" Wag ka mag alala. tutulungan kita na madiskubre kung paano mo it masasagot.

Gumawa ka ng listahan.
Para makamit mo ang iyong pangarap, kailangan alamin mo muna kung ano ano ang mga ito. Ngayon, relax ka lang, wag ka mastress sa paggawa nito. Take your time at isipin mo mabuti kung ano talaga gusto mo sa buhay. Mag timer ka, sabihin natin sa loob ng 3 minuets isulat mo sa papel lahat ng gusto mong makamit ng hindi iniisip kung gaano sila kahirap magawa. Pagkatapos nun, dito na yung part na pagiisipan mo na kung paano mo sya maisasakatuparan. Dito na papasok yung mga dapat mong baguhin sa pangaraw-araw mong gawaing at mga bagay na sa tingin mo makakasagabal sayo sa pagsasakatuparan ng pangarap mo. Pagkatapos mo magawa yung listahan, wag mo itong itago, ilagay mo ito sa lugar na palagi mong makikita kagaya ng salamin sa kwarto, sa study table mo etc. 

Maglinis ka ng iyong kapaligiran.
Ang mga kalat sa paligid mo ay hindi lang nakakaapekto sayo ng physical, nagsisilbi rin itong abala sa iyong pagiisip na nakakepekto sa konsintrasyon mo. Ang mga dagdag na bagay sa iyong desk ay nakikipagkumpitensya para sa iyong pansin, at ang iyong utak ay dapat na patuloy na makipagkasundo sa pagkakaroon ng mga item na ito na may kaugnayan sa iyong trabaho. Ngayon at pinaguusapan natin ang salitang presensya o pansin, isaalang-alang na ang ilan sa mga bagay-bagay na nakaupo roon ay malamang na idistract ka mula sa kasalukuyang gawain. Para na man sa mga bagay na may special na kahulugan sayo. Isa lang ang dapat mong itanong mo sa sarili mo: Ito ba ay nakakahikayat sa akin na abutin ang aking mga pangarap o iba ang kahalagahan niyo para sa akin? 

Siguraduhin ang paglilinis ng kapaligiran
Ngayon sa step no. 2, marahil ay iniisip mo na nalinis mo na lahat ng kalat at naitabi na lahat ng gamit na makakagulo sayo. Dun ka nagkakamali. Simulan mo naman linisin ang mga personal na koneksyon mo. Halmbawa nito ay pamilya, kaibigan at social media notification. Ngayon linawin ko lang, hindi naman sa dapat mo silang itaboy or ikaw mismo ang lumayo. Ang ibig ko lang sabihin ay limitahan mo ang sa mga bagay na ito para hindi ka mawala sa focus. Gumawa ka ng schedule kung keln lang kayo magkikita ng mga barkada mo at ipaintindi mo sa pamilya mo ang adhikain mo. Kailangan mo rin panindigan ang prosesong ito. Pero syempre kung para sa emergency naman ang pag abala nila sayo. Maari kang tumugn sa kanilang pangangailangan.

Gumising ng maaga
Minsan talaga, kahit gaano mo ka gusto magfocus sa isang bagay. meron talgang makakapag padistract sayo kagaya ng pamilya, gawaing bahay o kahit balita. Ang tanging magiging solusyon mo lang dito ay ang paggising ng maaga. Simple lang, pag maaga mo nagawa ang mga gawain sa bahay, masmarami oras mo para sa goals mo. Sa una mahirap talaga gawin itong step na ito kasi kailangan mag adjust ng biological clock mo o ng katawan mo sa pagbabagong ito pero pag araw araw mo na sya ginawa at nakasanayan na ng katawan mo gawin. malaki ang magiging pakinabang mo dito. Konting paalala lang, sikapin mo paring makaroon ng 8 hours of sleep gabi gabi kasi ito ang recomeded na tulog ng isang tao sa loob ng 24 hours.

Enjoyin mo ang free time mo
Importante sa isang tao ang mag relax Dahil Sobrang pagtratrabaho ay maaring makaapekto sa kalusugan mo. For example ang Pasok mo ay from Monday to Friday at ang rest day mo ay Saturday and Sunday. Monday to Friday focus ka lang sa work and goals. Pagdating ng Friday night, planuhun mo na weekend plans m like family bonding, barkada bonding, go to the gym, maglaro ka ng sports together with friends, bonding with jowa (sana all hahaha), lahat ng magpapasaya sayo gawin mo but still in moderation. Tapos by Sunday night, bago ka matulog, Gumawa ka ng to-do-list mo for Monday. Sa gantong paraan, makakatulog ka ng mahimbing, marerelax ka at marami kang oras para sa sa mga bagay na gusto mong gawin.

Itigil ang pagpapaliban.
Maaari kang magsimula sa isang naibigay na gawain lamang upang makita ang iyong sarili na gumala sa refrigerator, suriin ang email, o maghanap sa google ng mga sintomas ng isang nakatagong sakit (Lahat tayo dinanas yan). Bagamat maaaring hindi maiiwasan ang pagpapaliban, subukan ang 15-minuto na panuntunan: Magtakda ng isang timer sa loob ng 15 minuto, at sa oras na iyon, ilaan ang iyong atensyon sa ibang bagay na matagal mo nang hindi nagagawa. Malay mo, maaring maibalik mo ang momentum mo at hindi na makaisip huminto.

Humanap ka ng mga taong makaktulong sayo.
Kahit gaano ka kasipag at kacommited sa gingawa mo, isang malaking pagkakamali ang isiping magiging sucessfull ka nang magisa. Kahit hindi ka nila directang tinutulungan, mainam parin na may mga taong makakatulong sayo gaano makalaki o kaliit ang maitutulong nila. Maari mo din silang panghugutan ng inspirasyon para magpursige sa buhay. Kagaya nga ng isang kasabihan “no man is an island”

Play the role
Isipin mo kung ano ang gusto mo maging. Paano kumilos ang bago at pinabuting bersyon ng iyong sarili? Paano ka magiisip, manalita at mamuhay? Maari mong naising ipakita na ikaw ay isang taong mapagkumbaba pero confident na tao. Simulan mo sa simpling pagupo. Umupo ka ng matuwid at iwasang mag-slouch. Kapag ikaw ay may kausap, mag focus ka sa usapan ninyo, tignan sya sa mata para makita nyang naskanya ang buong atensyon mo at makinig ka mabuti sa kanyang sinasabi. Sikaping matuto sa iba, gumawa ng magandang impresyon at disiplinahin ang sarili upang maipakita sa mundo ang iyong tunay na hangarin.

Magsagawa ng Periodic progress check-ins
Hindi sapat na baguhin mo ang iyong mga nakagawian. Kailangan mo ding suriin ang iyong sarili kung palagi mo ba itong nagagawa. Maari mo itong gawin kapagtagumpayan mo na ang mga minor goals mo para masimulan mo na ang mga major goals mo. Kung binigyan mo naman ang sarili mo ng deadline (sabihin natin isang buwan), gumawa ka ng weekly review sessions na kung saan pagmamamasdan mo ang mga nagawa mo kada linggo. Mula sa mga datos na iyong nakalap, susuriin mo dito kung ano ano ang mga bagay na dapat mong ipagpatuloy at alin ang mga dapat mong itigil. Hayaan mong magsilbing inspirasyon ang mga ito sa sayo para pagbutihan mo lalo. 

Bigyan mo nang pabuya ang iyong sarili
Ngayon at nagawa mo lahat ng nabanggit sa taas. Dapat naman bigyan mo nang pabuya ang sarili. Ang mga bagay na ginawa mo sa ay hindi  biro at nangangailangan matinding konsintrasyon, dedikasyon at dispilina. kaya hindi masama na paminsan minsan pagbigyan mo ang sarili mo. Halimbawa: sanihin natin na nakamit mo ang isa sa mga major goals mo sa buhay. Hindi naman siguro masama kung bigyan mo ang sarili mo ng 3 days na pahinga o di kaya bumili ka ng gamit na matagal mo nang nais bilhin. 

Comments

8 Comments
  • Mr. Everything News
    Aug 31, 2020 15:02
    Keep posting ❤
  • Aug 23, 2020 03:05
    Pa check din po aken
  • Kenneth Sanchez
    Aug 17, 2020 08:43
    Thanks for sharing sir. :)