• Good News

Profile
Manuelito Anday

AKO LANG BA?

Ako lang ba?
Yan ang madalas na tanong ko sa sarili ko simula noong ako ay mag bawas ng timbang. Natatawa kasi ako sa sarili ko kapag naiisip ko ang mga dahilan kung bakit ko ito ginagawa. 
Ang una ay iyong nakakita ako ng post sa FB ng tungkol sa pag a-apply sa PNP, nakita ko kasi sa mga requirements ang BMI o Body Mass Index, nakita ko na bagsak ako doon pa lang, kaya i decided na magbawas na ng timbang. Eto yung nakakatawa, wala naman akong balak mag apply sa PNP, hahaha.
Pangalawang dahilan, na inspire ako magbawas ng timbang dahil sa mga anggulo sa mga selfie ko na payat ako tingnan parang na GGSS o gwapong gwapo sa sasrili ako, hahaha.
Pangatlo, gusto ko magulat ang pamilya ko kapag nakita nila ko sa bago kong itsura, hindi na kasi ako nakaka uwi sa bahay simula ng mag ka pandemic.
Marami akong nakikita sa online world na nagshashare ng mga reason nila kung bakit sila nagpapayat, meron pa ngang nagsabi na dahil daw sa heartbreak kaya nila yon ginawa. Kaya naman natatawa ako kapag naiisip ko ang mga dahilan ko.

Kaya , ako lang ba?

Ang may ganitong ka wierd na dahilan kaya nagpapayat?

Comments

0 Comments
Check Out More Good News
Ilocano dish
Saba Con Yelo