Happy Happy Teacher's Day po sa lahat ng mga guro at pangalawa naming mga magulang sa paaralan!! Sila yung mga pangalawang magulang na nagbigay ng direksyon sa aming mga buhay bilang isang mabuting mamayanan at mabuting ihemplo sa lahat ng mga kabataan na nasa aming mga paligid, sila yung mga guro na simula pa Nursery, Kinder,High School,College ay laging nakasuporta za aming mga gustong marating bilang isang mabuting kabataan na huhubog ng bagong Henerasyon ng mga Kabataan. Saludo po ako sa lahat ng mga Guro na kahit anung laban di nagpapatinag at sumusuko bagkos mas lalo pang hinihigpitan ang kapit sa may kapal at sa sinumpaang pangako ang maghatid ng mabuting edukasyon sa lahat ng mga bata o kabataan o matanda na higit na nangangailangan ng edukasyon,, kahit na may sakuna patuloy parin ang pag lilingkod ng tapat sa kanilang mga Simumpaan na trabaho. Na ang laging tanging nais ay matuto at maituwid ng landas ang lahat ng mga bata at kabataan sa bawat Henerasyon, upang sa labas ng paaralan ay sila naman ang maging gabay at direksyon at ilaw sa mga kabataang naliligaw at magpapakita ng kabutihang asal at pag tulong sa lahat ng pagkakataon.Ang mga matang hindi nagbubulag bulagan ang mga kamay na hindi magdadamot sa kahit na anung tulong na kinakailangan ng kanilang kapwa. Maging ang mga yapak na susundan ng mga pasibol palang na kabataan, ang Landas na matuwid at puro pangaral mula pa ng pagkabata at simula ng matuto kaming mag aral at pumasok sa eskwela. Maraming maraming salamat po sa mga Dakilang Guro na laging handang umintindi,magmahal at umunawa at habaan ang pasensya kahit madalas namin kayong nabibigyan ng sama ng loob dahil sa katigasan ng aming mga ulo sa eskwelahan. i love you sa lahat po ng Guro saan man sa mundo higit sa lahat sa bansang pilipinas tahanan ng aking lahi! Hindi Hadlang ang covid 19 para tumigil ang edukasyon at tumigil ang mga guro sa paghahatid ng mga aral at lesyon at pagpapalawak ng mga kaalaman ng mga estudyante,, Saludo po ako sa inyong lahat ng mga guro mapa gera man o covid 19 Handa paring mag sakripisyo maibigay lang ang edukasyon na kinakailangan ng mga bata at kabataan at matatanda maging ng mga may kapansanan.Sabay sabay po tayong babangon muli at Higit sa tulong ninyo mas lalong tataas ang pag asa ng mga kabataan na yakapin ang edukasyon saan man sulok ng mundo. Hiling ko po ang pagpapala ni Jesus sa inyong lahat at kalakasan sa lahat ng pag kakataon. Kapit lang walang imposible kay Jesus!!! ☝☝☝ Happy Happy Teacher's Day po ulit sa lahat ng Guro! ❤Mabuhay po kayong mga Fronliners na Guro!!! Happy is the man that findeth wisdom, and the man that getteth understanding. Proverbs 3:13
Comments