• Good News

About God

Sa ngalan ng Ama, Anak at ng
Espiritu Santo . Manalangin
tayong magkasama. Panginoong
DIYOS, maraming maraming
salamat po sa lahat ng biyayang
walang sawa ninyong
ipinagkakaloob sa amin. Hindi man
kami karapatdapat sa inyong
pagmamahal, nariyan pa rin po kayo
upang kami ay kupkupin.
Panginoong DIYOS , lubos po kaming
nagpapakumbaba at humihingi ng
kapatawaran mula sa inyo sa lahat
ng aming nagawang kasalanan.
Intensyonal man po o hindi,
patawarin nyo po kami. Linisin nyo
po ang aming mga puso at tanggalin
nyo ang lahat ng negatibong
emosyon na aming kinikimkim.
Panginoong DIYOS, itinataas ko po sa
inyo ang aking kinabukasan at ng
lahat ng aking mahal sa buhay.
Ituwid mo po nawa ang landas na
aking nilalakaran. Kayo po ang
magdesisyon para sa akin. Samahan
nyo po ko sa aking paglalakbay,
Panginoon. Kayo po ang magsilbing
aking gabay mula ngayon.
Panginoon, bagamat ako ay
makasalanan, marupok sa tukso at
madalas man manghina ang aking
pananampalataya, dalangin kong
wag mo po akong bitawan. Huwag
nawa po kayong magsawa na ako ay
samahan. Panginoon, kailangan ka
po ng bayan ko. Ibuhos mo po ang
pagmamahal at pagpapatawad nyo
sa mundo. Hipuin mo po ang bawat
isa sa amin na maging instrumento
mo para makilala ka ng ibang tao.
Bigyan mo po ang bawat isa sa amin
ng sapat na talino upang ihayag ang
kadakilaan mo. Mahal naming
Panginoon, hindi po kami
mapapagod na sambahin ka. Mula sa
pinakamaliit hanggang sa
pinakamalaking biyaya mo ay
tatanawin kong utang na loob
hanggang sa kamatayan ko. Maghari
nawa po ang pagmamahal na unang
nagmula sayo sa buhay ng bawat
anak mo na nagbabasa ng
panalangin na ito. Gamitin mo po
kami para sa iyong mga plano.
Gamitin mo po kaming maging
instrumento mo para maging
daluyan ng pagmamahal at
pagpapala mo sa aming mga anak
mo. Panginoon sana po mawala na
ang mga kumakalat na sakit na
COVID 19 sa mundo. Napakalaking
pinsala na po ang idinudulot nito sa
Sambayanan. Ingatan mo po kmi
Panginoon.
Ikaw lang po ang aming Lakas at
Kagalingan. Maraming Salamat po.
Panginoong DIYOS, sayo po ang
lahat ng papuri at pasasalamat, sa
pangalan ni HESUS AMEN.🙏🙏

I challenge all of you, lahat ng
naniniwala sa Panginoon, COPY and
PASTE this post and make this as
your status, tulungan nyo akong
ihayag ang kanyang kabutihan.
Dalawang segundo lang naman,
kapatid! Maraming salamat,
Pagpalain nawa tayong lahat ng
Panginoong Jesus! AMEN 🙏🙏🙏

Comments

1 Comments