Akala ko walang bantay ang buko. Bago ko pa sya makita, sumigaw na si kuya. "Ma'am saglit lang po ha?" Ang busy ni kuya. May binubulatlat sa tambak na basura. Hindi naman Diamond yung nakuha pero ang ngiti, luma ang tumama sa lotto. Mainipin akong tao pero ngayon, masaya akong naghintay. Nakita ko kung gaano n'ya kaingat ikinabit ang braso ng manika. Pinagpag ang damit at sinuklay ng mga daliri ang buhok. (Ewan kung si Barbie 'yun o si Elsa). "May regalo na ko sa Anak ko sa pasko. Huhugasan ko lang po 'yung mukha kasi medyo marumi." Mga ganitong eksena. Mga totoong kwento ng pagmamahal. Mga pangyayaring nagpapabalik sa akin sa tunay na kahulugan ng buhay. Nakakalimutan ko ang mga kumplikado at walang kwentang ipinagmamaktol ko madalas sa buhay. Nahihiya ako kapag umaangal sa wala. Nababalik ako sa simple. Sa totoo. Sa higit na mahalaga. Walang mahirap o mayaman sa pagmamahal. Lahat tayo pantay pantay. Salamat kuya sa paalala. Perfect ang timing mo. ♥ #lifetalk #whatmattersmost
Comments