• Good News

Profile
Bonyboy Solomon

100% Guaranteed safe ang Investment mo dito!

Isa sa mga challenges nating mga Pinoy ay ang mag-ipon. Mahilig tayong gumasta dahil sa instant gratification.

Para ma-solusyunan ito, ugaliin lang na magtabi ng maliit na amount regularly at isang mabisang paraan para gawin ito kapag automatic na nakakaltas sa ating suweldo, para wala na tayong iisipin. May mga automatic debit arrangements na ino-offer ang mga bangko pero nakakawalang gana mag-save sa kanila dahilsa liit ng interest rate na matatanggap. 
 
MP2 savings

Ang Modified Pag-IBIG Savings II o MP2 ay isang savings program na open para sa lahat ng members ng Pag-IBIG. Kinakailangan lang na more than PhP5,000 ang kinikita kada buwan para mag-qualify dito.

This is a voluntary savings program at ang minimum contribution dito ay PhP500 lang every month. Ang maganda rito, nakasaad sa Circular 276 ng Pag-IBIG na mas malaki ang dividend rate na ibibigay sa MP2 kaysa sa Pag-IBIG Savings I.

Long term savings

Five years ang term ng MP2. Dapat ituring na loang term investment ang MP2 savings dahil hindi ito basta-basta mawi-withdraw.

Puwede itong ma-withdraw before five years with the following circumstances:

Total disability or insanity
Natanggal sa trabaho dahil sa pagkakasakit – separation from work by reason of health
Kamatayan
Dahil sa provision na ito, para sa akin, puwedeng ituring ang MP2 bilang bahagi ng iyong emergency savings. So make sure na ang ilalagay na pera ay naka-match sa mga financial goals na five years or more mo pa kakailanganin. 

Tax-free and government-guaranteed

Ang kikitaing dividend sa Pag-IBIG ay tax free kaya buong-buo mo itong makukuha, unlike sa savings sa bangko na may 20% withholding tax. Ang kabbuang Total Accumulated Value o yung pinagsama-samang contribution mo, employer counterpart at dividend ay 100% guaranteed ng gobyerno, unlike in banks na hanggang PhP500,000 lang ang covered ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).

High dividend

Nagbibigay ng mataas na dividend ang Pag-IBIG savings na karaniwang mas mataas kaysa sa interest na makukuha sa bangko. Last year ang dividend rate sa Pag-IBIG Savings I ay 7.61% at mas mataas pa ang ibinigay na dividend sa Modified Pag-IBIG Savings II (MP2) na nasa 8.3%.

At 8% per annum tax-free dividend, you will be able to double your money in nine years.

How to open an account

Mag-connect sa Internet at bisitahin ang Modified Pag-IBIG 2 Enrollment System. I-fill up ito at i-submit ang online application form.

I-print ang na-fill up na electronic form na nakalagay ang iyong MP2 account number. Pumunta sa pinakamalapit na branch ng Pag-IBIG at i-sumite ang electronic MP2 form.
Bayaran ang iyong contribution. Ganun lang ka-simple.

Talk to your employer

Kausapin ang HR ng pinagtatrabahuhan at ibigay ang MP2 account number mo sa kanila. Mag-request din kaltasan nila ang suweldo mo at i-deposit ito sa iyong MP2 account para automatic ang pag-iipon mo.

You can also convince your employer na magbigay ng counterpart sa MP2 mo as a form of incentive.

Better than other traditional investments

Sa totoo lang, better ang rates at guarantee na binibigay ng MP2 kumpara sa mga mutual funds and UITFs lalung-lalo na sa kung sa money-market funds, bond funds at balanced funds ito ikukumpara.

Kaya para sa akin, mas magandang dagdagan pa ang savings sa Pag-IBIG at ituring itong long term investment. Mahirap makahanap ngayon ng produktong nakapagbibigay ng mataas na kita, tax-free at 100% guaranteed pa ng government.

Higit sa lahat, nakakatulong ka pang palaguin ang pondong ginagamit ng gobyerno upang lutasin ang backlog natin sa pabahay.

Comments

0 Comments