• Good News

Profile
Raaarw

10 SALITA NA HINDI MO DAPAT SINASABI SA PARTNER M!

1. Wala kang kwenta!
2. Nakakasawa ka!
3. Wala kang pinagkaiba sa ex ko!
4. Ang pangit ng ugali mo!
5. Wala akong pake sayo!
6. Pinagsisisihan kong ikaw naging BF/GF/ASAWA ko!!!
7. Napaka-OA mo!
8. Ang arte mo naman!
9. Bahala ka sa buhay mo!
10. Maghiwalay na tayo!

Kung "WALA SIYANG KWENTA" alalahanin mo na meron siyang halaga.    

"NAGSASAWA KA NA SA KANYA?" Eh diba nananahimik yan tas ikaw 'tong pumasok sa buhay niya? 

"WALA SIYANG PINAGKAIBA SA EX MO?" Sana alam mo yung feeling na kinukumpara!!!  

"PANGIT UGALI NIYA" Ba't niligawan mo pa? Kung nung una pa lang pinakita niya na sayo yung bad side niya. Mamahalin mo pa din ba siya? 

"WALA KANG PAKE SAKANYA?" Totoo? Parang dati lang ikaw pa yung gumagawa ng paraan para magka-pake siya sayo. 

"PINAGSISISIHAN MONG SIYA NAGING BF/GF OR ASAWA MO?" Hindi ka naman niya pinilit tanda mo? 

"MASYADO SIYANG OVERACTING? Baka kulang ka din sa pagiging understanding? 

"ANG ARTE NIYA?" Paalala ko lang ha? Kung yung pagiging maarte niya inapply niya nung wala pa kayong relasyon. Malamang walang 'kayo' ngayon. 

"BAHALA SIYA SA BUHAY NIYA?" Parang dati lang handa kang makipagpatayan para sakanya ah. Nasan na yung dating ikaw na patay na patay sakanya at ikamamatay pa kapag nawala siya? Wala na? 

"MAGHIWALAY NA KAYO?" Yan ang wag na wag mong sasabihin sa partner mo. Dahil sa isang salita na 'yan, para mo na ring pinagsama-sama yung siyam pang sinabi ko.

Oo yung mga GF/BF OR ASAWA natin grabe tayo nyan awayin. Pero sa totoo lang diba napaka-maramdamin? Minsan nasasaktan na 'yan nang palihim lalo na pag may nasabi kang masakit talaga sa damdamin. Oo magagawa mo siyang patahanin at patawanin pero yung sinabi mo, palagi niya yung maaalala at kikimkimin. 

Kaya sana kapag galit tayo sa GF/BF OR ASAWA natin, kontrolin pa din natin mga bibig natin. Bago tayo magsalita, pag-isipan nating maigi. Minsan kasi tsaka tayo magsisisi kung kelang nagawa na nating masabi. Pag-isipan mong mabuti. Hindi yung tsaka mo lang marerealize kung kelang hindi na siya tulad ng dati. Hindi ko sinasabing maging perpekto kang LALAKI/BABAE.. Ang akin lang pag alam mong mali, wag mo nang gawin palagi. 😊

Credits to: Ms. Jeijei Arabe

Comments

6 Comments