• Good News

Profile
Bonyboy Solomon

Lockdown sa trabaho, Naka pag ipon alamin?

Lahat Tayo sa panahon Ngayon ay nakakaranas ng hirap dahil sa pandemya kahit ganun pa man ay kailangan naten mag patuloy sa buhay para sa mga Mahal naten sa buhay. Sikapin naten mabuhay Ng masaya at may ngiti sa ating mga labi dahil ang buhay naten ay Hiram lamang naten sa Panginoon. Gamitin ang buhay na walang galit , inggit at Kung ano pa man na walang negative vibes na dapat ay laking positibo sa bawat araw gaano pa man Ka rahas o hirap ang pinag dadaanan Ng ating buhay sa mundong ibabaw.
Bilang isang production crew sa planta na aking pinag trabahuhan marame na ako na encounter na ibat ibang ugali Ng tao kailangan mo silang pakisamahan, Hindi plastic ang tawag dun kundi ay pakikisama.
Wala nman problema sa mga kasamahan sa trabaho halos kasundo ko naman ang lahat mabait    sila sa akin at ganun din Naman ako Kung paano nila ako itrato bilang katrabaho, minsan ang Iba Kay kaibigan na at kumpare pa.....
Ang buhay ko noon ay Bahay at Trabaho Lang minsan pag nag kayayaan sa Birthday o anumang okasyon ay dumarayo kame syempre dyan din Yung napapainum Ka... Para maiba Naman ang cycle Ng buhay wala eh... Kailangan din naten mag enjoy Hindi Tayo kalabaw na puro trabaho Lang... May pag kataon talaga na nauubos ang Pera naten sa Hindi natin alam at ganun kabilis maubos pag nagsasaya Ka... Kaya mahirap talaga mag ipon Ng Pera lalo na pag Hindi naka budget Kaya may kakayahan Ka mag waldas Ng wala sa oras...
At Ito na nga may pandemya na lockdown kame sa planta noong Mach 2020 hanggang sa ngayong araw Kaya may kakayahan ako mag type hehehe... 
Libre lahat dito sa kompanya Kung saan ako nag trabaho number one dyan ay pagkain... Punta na lang kame sa canteen upang kumain umagahan, tanghalian,meryenda,hapunan, at snacks pa sa Gabi. Kaya ang tataba na namen dito sa planta. Sa personal hygiene weekly sila nag binigay, may bed,kumot,kulambo, electric fan at etc. As in... Lahat ay libre mayroon pa nga sila palaba provided Ng company ang washing machine minsan ako ang naka asign para mag laba for the whole week.
Kaya may tiyansa Ka tlga maka ipon dito sa planta. Kase wala Ka tlga gagastusin Yung gagastusin mo Sana para sa pang araw araw mo sagot na Ng kompanya. Kaya imbes na bumili ako Ng Kung ano ano mas mainam na lamang na mag ipon. Lalo na ngayong pandemya mahirap kumita Ng Pera Kaya salamat sa Panginoon at Hindi niya ako pinapabayaan... Sana maging masinop Tayo para Kung sakali ready Tayo sa mga mangyayare tulad nga Ng pandemyang Ito na maraming pinahirapan... Malayo man sa pamilya kailangan tiisin nag trabaho Ka Naman para sa kanila at may mahihain sa hapag kainan at mabili ang pangangailangan nila..
Matatapos din Ito at lilipas kakayanin  naten ang pag subok na Ito.. Panatiling mag ingat lalo na Yung mga lumalabas Ng tahanan...

Comments

0 Comments