• Facts/Trivias

Profile
Ela Garanchon

BREASTFEEDING IS GOLD. LIQUID GOLD.

PROVEN. OUR BREASTMILK IS REALLY MAGICAL.

Robyn had a fever last week. Hindi ko alam saan galing, hindi kami palalabas and when we do sobrang ingat naman namin kaya hindi muna ako nag isip ng kung ano. Nagdasal lang ako ng nagdasal kasi when I found out she’s having a fever we are doing business outside kasama ko daddy niya. So naiwan siya sa bahay with my mom. And then nung nalaman ko dali dali ako umuwi kasi I know she needs my milk. Consulted with her pedia agad via fb messenger at thankful ako super bait at responsive ng pedia niya. Thank you Doc Molina of ACE General Hospital Valenzuela. She told me what to do na I just have to hydrate robyn lng, give paracetamol and punas punasan so that’s what I did. Pero maghapon hindi bumababa yung fever niya. 38.9. Sobrang kabado na ako kasi first time yun and sobrang nakakatakot magkasakit ngayon. And iniisip ko naman if dadalhin ko siya sa hospital need ko siya ilabas baka lalu magkasakit kasi mahina ang resistensya niya kasi nga may nararamdaman. At isa pa, hindi siya nag wawater 😞 kahit na anong gawin ko ayaw niya mag water maybe dahil sa mapait yung panlasa niya or what. 

Sobrang hirap niya rin painumin ng gamot to the point na natatapon lang at feeling ko minsan wala siyang naiinom. Hindi rin siya kumakain ng rice but thankful ako na kumakain siya ng fruits. Ang tanging gusto niya lang rin gawin ay dumede sa akin. 

So maghapon mag damag lagi ko lang siya buhat, punas punas, dede, hele and all. Until madaling araw ganon, inaapoy siya ng lagnat. Padede lng ako ng padede kasi sabi ng pedia if ayaw mag water wag iforce, as long as dumedede sa’yo that’s enough.. and then tinanong ko if until kinabukasan ba may lagnat pa rin should I go to hospital na for check up. Sabi ni doc possible na may fever pa rin kinabukasan or worst until wednesday (that’s 3days) and then saka dalhin sa hospital. But then need ko check throat and ears if somethings wrong and tumaas ng 39.5 ang fever rush to hospital na. So inobserbahan ko lang siya and nag pray ng nagpray. 

Naparanoid na rin ako dahil honestly, nakakatakot talaga magkasakit ngayon dahil kung ano ano maiisip mo to think na anak mo pa ang may sakit. Thankful nalang ako no signs of dehydration dahil malakas siya magdede sakin at yun lng ang gusto niya. Maghapon magdamag halos di na ko nakakilos sa bahay dahil kailngan niya ako. Dumedede lang siya ng dumedede.

And then pag gising namin ng 7am. Wala na siyang lagnat completely. Inobserbahan ko muna kasi baka bumalik pero hindi na. Ang kulit kulit na naglalaro na at magana na ulit kumain.. wala pang 24hrs yung lagnat niya. Sobrang thank you Lord! Naisip ko what if nagstop na ako to breastfeed her paano ko siya mapipilit magtake ng water at dumede sa bottle? Yung mga ganitong moments talaga maappreciate mo lalu yung breastfeeding journey mo. And ang galing no? Hndi ko alam san galing ang lagnat niya. Dahil ba sa panahon ngayon or what hindi ko alam. Basta ang mahalaga malakas na ulit siya ngayon at gumaling na siya agad. At alam kong dahil yun sa antibodies na nanggaling sa breastmilk. 

Kaya mommies if naiisip mo na mag give up magpadede, konting laban pa. Sa panahon ngayon ang laking bagay ng breastmilk natin. 🤍❤️

Ctto.

Comments

0 Comments
Check Out More Good News
Conquer your fears
Get Perspective
Be Positive